Ending of Darna

Tuesday, February 16th, 2010 | Television with 1 Comment

NardaDarna

Darna, Philippines number one fantasy series on television, has ended.

In the ending of Darna, all previous enemies of the Pinay Superhero joined forces and Valentina transformed into another Darna.

The last few episodes of Darna provided a lot of twist in the story that surely surprised its legion of fans.

Here is the Filipino version of the last episode of Darna:

Dahil sa pagkamatay ng mga liping ahas at ni Zandro, lalong nag-ibayo ang galit ni Valentina kay Darna. Ang mga natitirang liping ahas sa kweba ni Amang Cobra ay binigyan nya ng ibayong kapangyarihan, at sa pamamagitan ng tungkod na hawak nya, pinabangon nya ang patay ng si Roma upang kuhanin dito ang mga kapangyarihang tatalo kay Darna. Dahil dito, nagawa nyang kopyahin ang hitsura ni Darna.

Samantala, nalaman na ng ina ni Narda na sya rin si Darna kung kaya’t hiniling nya dito na tumigil na sa pagiging Darna. Nakipagkita si Darna sa Gabay upang isoli ang bato subalit hindi nya magawang talikuran ang bato sapagkat nais pa nyang maglingkod sa bayan ng San Martin at sa mga tao.

Dahil sa ginawang pagkopya ni Valentina kay Darna, nabigla ang mga tao. Hindi nila akalain na ang kanilang dating bayani ang syang sunod na maghahasik ng lagim . Ito’y sa kadahilanang ikinalat muli ni Valentina ang mga liping ahas at pinatay ang mga tao. Ng tangkaing lumapit ni Alicia sa pag-aakalang ito ang kanyang anak, pati sya ay nasaktan. Dahil dito, lumapit si Consuelo kay Valentina upang kausapin ito subalit sarado na ang isip nya dahil sa poot na nararamdaman sa ina. Kung kaya’t inilipad nya si Consuelo at binitawan, subalit biglang dumating ang tunay na Darna upang sagipin ito. Naglaban ang dalawa at dahil sa taglay na lakas at kapangyarihan ni Darna, natalo nya si Valentina. Tuluyan ng namatay si Valentina, at sa pagkakataong ito nilapitan xia ni Consuelo at humingi ng tawad. At kasabay ng pagkamatay ni Valentina, tinuklaw ng mga ahas nya sa ulo ang kanyang ina at kasama nyang namatay.

Tapos na ang gulo sa San Martin. Natalo ng lahat ni Darna ang kanyang mga kalaban, mula kay Haring Cobra, babaeng linta, babaeng tuod, babaeng lawin, babaeng impakta at si Empie, si Elektra, babaeng manananggal, sina Serpina at Zandro at maging ang mortal na kaaway nyang si Valentina. Hiniling ni Alicia na lumayo sila sa San Martin at lumuwas ng Maynila upang kalimutan ang lahat ng trahedya. Muling lumapit si Narda sa Gabay, isinosoli ang bato subalit ngumiti lang ito at sinabi nito na binabati nya si Darna sapagkat nagawa nyang talunin ang mga kalaban. Tapos na ang kanyang misyon, di na sya muling lilipad na si Darna subalit sya naman ang susunod na Gabay. Hindi nya malaman kung pano pipiliin ang susunod na Darna subalit ayon sa Gabay, darating ito sa takdang panahon.

Nagpaalam na si Narda sa hospicio kasama si Pancho at ang kanyang ina. Sa kanilang pag-alis isa na namang halimaw ang dumating, sumanib sa tao ang kaluluwa ni Amang Cobra upang maghasik ng lagim. Subalit gaya ng mga naunang kalaban, tinalo sya ni Darna. Sa pagkakataong ito, nakilala ni Darna ang batang si Narda, at inisip nyang marahil ito na ang susunod na hihiranging “Darna!”.

Marian Rivera, Primetime Queen of GMA 7,  played the role of Narda alias Darna.  The television series was directed by Dominic Zapata.

Check this site again in the future for The End Of Darna.






Comments

  1. 1
    Amelia // August 20th, 2016 at 10:26 pm

    I see many interesting articles here. Your site can go viral easily,
    you need some initial traffic only. How to
    get initial traffic?? Search google for: Jemensso’s tricks

Leave a Comment

Ending of Darna | AlxJM.com